Translate

Search This Blog

Thursday, November 28, 2013

Mga Popular na Pamahiin ng mga Pilipino (beliefs and practices)



Wag kang kumanta sa harap ng kalan tatanda kang binata o dalaga.

Wag magwalis ng gabi mawawala ang swerte.

Wag magbenta ng karayum sa gabi kc kakalawangin.

Gawing unan ang libro pra tumalino.

Wag mangalumbaba malas sa buhay.

Tumalon ng New Year para tumangkad.

Kapag palipat lipat ng upuan sa hapg kainan, magpapalit ng asawa.

May masamang mangyayari sayo kapag dinaanan ka ng itim na pusa

Bawal magwalis sa burol.

Kung naliligaw ka, baligtarin mo yung suot mo para hindi ka matikbalang.

Bawal daw matulog na basa ang buhok... lalabo daw ang mata

Kapag nhulog ang tinidor o kutsara may dadating na bisita.
tinidor = lalake, kutsara = babae

Wag isukat ang damit pangkasal dahil hindi matutuloy ang kasal.

Huwag magligpit ng pinagkainan kung meron pang kumakain dahil hindi sya magkaka asawa.

Bawal daw mag-istambay ang buntis sa pinto.. kasi mahihirapan daw manganak.

Kapag nagkasugat ka, lalabas daw duon ang kinain mo.

Bawal ang sukob - hindi pwedeng magpakasal ang magkapatid sa same year

Masama daw mag gupit ng kuko sa gabi. May mamatay daw sa isa sa magulang mo.

Mapag ang isang tao ay nananaginip na binubunutan nang ngipin,mayroong kamag-anak na mamatay.

No comments:

Post a Comment